Ngayon ka pa ba susuko?

ngayon ka pa ba susuko syempre hinde

Kung kelan malapit ka na magtapos, saka mo pa naiisipang sumuko. Ngayon ka pa tinamad. Ngayon ka pa nawalan ng gana. Hindi ba dapat ngayon ka nag uumapaw sa determinasyon? Hindi ba dapat ngayon ka ubod ng sipag? Anong nangyari?

Andyan ka na. Konting konti na lang at makakagradweyt ka na.

Tandaan mo na hindi biro ang pinagdaanan mo para makarating ka rito. Pinaghirapan mo ‘yan. Dugo’t pawis ang pinuhunan mo. Hindi mo na inalintana ang pagod, gutom at puyat dahil sa gabundok ang mga kailangan mong gawin. Ni sarili mong kalusugan kadalasa’y nakakaligtaan mo na. Marami ka ng nasakripisyong oras na sana’y nailaan mo para sa pamilya, sa kaibigan, sa kai-ibigan, sa sarili, at sa Diyos.  Kakalimutan mo na lang ba lahat ng naisantabi mo dahil gusto mo ng sumuko? Gusto mo na bang bumigay dahil hirap na hirap ka na?

Minsa’y napapamuni muni ka kung tama nga ba ang tinahak mong landas.  Mahirap kasi kamo, pero ikaw na rin naman ang nagsabi dati na itutuloy mo’t magpupursige ka. At ito na ‘yun. Dito ka na dinala ng panahon. Oo, mahirap nga, pero tingnan mo, kinakaya mo naman di ba? Kulang kulang isang buwan na lang o. Tiisin mo na lang ang natitirang isang buwan na pagpapahirap. Kumapit ka. Gumapang kung kinakailangan. Apat na taon nga natiis mo, isang buwan pa kaya?

Alam ko gasgas na pero, kayang kaya mo ‘yan! Marami ka ng pinagdaanan kaya naniniwala akong kakayanin mo ‘yan! Hanggang sa huli, ibigay mo lahat ng makakaya mo! Wag kang bibitaw! Wag kang susuko! Magtiwala ka sa sarili mo at sa Diyos na sa Hunyo, gagradweyt ka na.

Nakakakilig ano? 🙂

Kaya ngayon pa lang, babatiin na kita. Maligayang pagtatapos!

Padayon!

P.S.  Oo, sulit ang sablay. 🙂

Advertisements

2 thoughts on “Ngayon ka pa ba susuko?

  1. Ganito mismo ang naramdaman ko bago ako sumablay. Subalit pagkatapos ng dalawang taon, aking napagtanto na ang tunay na sinisimbolo ng sablay ay hindi ang pagtatapos, kundi ang pagsisimula ng buhay sa labas ng unibersidad at kung paano natin ito haharapin gamit ang lahat ng ating natutunan. Maligayang paglalayag, kapwa Iska! 🙂

    Like

    • Salamat sa pagbisita bambam! 🙂 Sinulat ko ‘to para sa mga ibang isko at iska na malapit na ring magtapos. Totoo yang sinabi mo. Ibang iba ang buhay estudyante kumpara sa tunay na buhay. Pero kakayanin ‘yan, hindi basta basta sumusuko ang isang iskolar ng bayan. 🙂 Salamat ulit!

      At galingan mo rin sa med school! 😉

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s